-- Advertisements --

Patuloy na pinapalawak ng Marcos Administration ang mga maaabot ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers, para sa mga nangangailangan.

Ayon kay Communications Usec Claire Castro, karagdagan dito ang 51 BUCAS centers na binuksan sa 33 probinsya sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng BUCAS Centers, mabilis na nakukuha ng mga pasyente ang kinakailangang laboratory services, tulad ng complete blood count (CBC), blood chemistry, urinalysis, blood typing, x-ray, ultrasonography, ECG, fecalysis, FOBT, dengue NSI, dengue IGG at IGM, at COVID rapid antigen test at HBsAg.

Kabilang sa mga serbisyo na ibinibigay ng BUCAS Centers ay para sa tuberculosis screening and management, pagbabakuna, center screening, konsultasyon para sa altrapresyon at diabetes, kumpletong checkup para sa buntis at sanggol, OB-Gyne consultation at services, mental health, first aid at referral para sa mga vehicular crash, nutrition support, dental services, animal bite at pharmacy para sa mga access sa gamot.

Sabi ng opisyal, nasa 500 pasyente kada araw ang nasi-serbisyuhan ng bawat isang BUCAS center sa buong bansa.