Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa limang katao na nagpanggap bilang dentista sa limang clinics sa Pasay City at ParaƱaque City.

Nagpatulong sa PNP ang Philippine Dental Association para sa pagsawata ng mga iligal na dentista.

Ang mga klinika ay pag-aari ni Dr. Jovita Lingo Baliao na may-ari ng 20 dental clinics sa Metro Manila at Baguio City.

Lahat aniya ng mga dental clinics ay lisensiyado subalit ang mga dentista at dental technologist ay dapat lisensyado ng Philippine Regulatory Commission.