May magandang development na umano ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kasong pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Kasunod na rin ito sa pagkaka-aresto sa dalawang suspek sa Del Gallego, Camarines Sur sa isinagawang checkpoint operations.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, may karagdagang apat hanggang lima pang mga suspek ang patuloy na tinutugis ngayon.

Una nang naaresto ng mga pulis sa nasabing bayan ang mga suspek na sina Florencio Suarez at Robert Gumacay.

Kinumpirma ni Albayalde sa isa sa dalawang suspek ang umano’y gunman o siyang bumaril sa opisyal.

Naniniwala naman si bayalde na maaaresto na nila ang iba pang mga suspek sa pagpatay sa alkalde.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw ang motibo sa pagpatay kay Mayor Bote.