
Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang tripulante ng Japanese vessel sa may karagatan ng Navotas, Calapan, Oriental Mindoro matapos na tumagilid ang MV Catriona.
Nangyari ang maritime incident kaninang umaga ngayong araw ng Lunes, Marso 11 ayon sa PCG.
Matapos na matanggap ng PCg ang ulat mula sa isang vessel, agad na nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation ang Command Center ng PCG sa pakikipag-tulungan ng Coast Guard District Southern Tagalog at PCG Station Oriental Mindoro lulan ng BRP Habagat (TB-271).
Natukoy ang mga nasagip na Japanese crew na sina Itsuo Tamura(86), Hiromu Nishida(83), Hamagato Tsukasa (80), Osamu Kawakami (74) at Hata Isamu (74) na nasa mabuting kalagayan.
Nabatid na naglayag ang nasabing vessel mula Japan patungo sa Davao subalit aksidente itong nasira dahilan para tumagilid ang nasabing vessel.