Ilang lokal na pamahalaan sa Luzon ang nagdeklara na ng suspensyon ng klase at trabaho bilang paghahanda sa paglapit ng Severe Tropical Storm “Fung-wong”, na papangalanang “Uwan” pagpasok ng Philippine Area of Responsibilities (PAR).
Sa Kabayan, Benguet, suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan mamayang alas-3 ng hapon ngayong Biyernes, Nobyembre 7, upang maisagawa ang mga preemptive at proactive measures laban sa posibleng epekto ng bagyo.
Sa Catanduanes, sinuspinde rin ang klase sa lahat ng antas upang bigyan ng oras ang mga pamilya na makapaghanda bago ang posibleng pananalasa ng bagyo.
Para naman sa Lunes, Nobyembre 10, nag-anunsyo rin ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod na lugar sa:
PANGASINAN
- Dagupan City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
BENGUET
- Baguio City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Suspendido rin ang lahat ng aktibidad sa La Trinidad, Benguet sa Lunes at Martes upang matutukan ng lokal na pamahalaan ang disaster preparedness at paglalatag ng mga tauhan at mga kakailanganing kagamitan.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Fung-wong (“Uwan”) ay inaasahang lalakas pa at magiging super typhoon bago ito mag-landfall sa katimugang bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora sa Linggo.
















