-- Advertisements --

Nanguna sina Lady Gaga at Kendrick Lamar sa dami ng nominasyon sa 2026 Grammy Awards.

Sa pangalawang sunod na taon ay mayroong siyam na nominasyon si Lamar kasama na ang Album of the Year.

Habang si Lady Gaga ay mayroong pitong nominasyon sa nasabing awards.

Habang sa unang pagkakataon ay napabilang ang K-pop na nominado sa Song of The Year.

Kinabibilangan ito ng kanta nina Rose ng BlackPink at Bruno Mars na “APT” at ang Hunter X “Golden”.

Gaganapin ang awarding sa Pebrero 1 , 2026 sa Los Angeles.