Ipinakita sa publiko ng China ang kanilang makabagong aircraft carrier.
Pinangunahan ni Chinese President Xi Jinping ang pag-commission sa aircraft carrier na Fujian na nakadaong sa military port sa Sanya na matatagpuan sa Hainan Island.
Ang Fujian ay siyang pangatlo at most advanced aircraft carrier ng China na mayroong electromagnetic catapults na kayang maglunsad ng tatlong uri ng aircrafts.
Ang bagong teknolohiya o kilala bilang Electromagnetic Aircraft Launch System (EMALS) ay kayang magpalipad ng mga eroplano na may kargang mga mabibigat na armas at fuel loads para mataaman ang mga malalayong targets.
Ang tanging ibang mga aircraft carrier sa mundo na mayroong EMALS systems ay ang USS Gerald R Ford.
Unang inilunsad ang Fujian noong 2022 at nagsimulang maglayag sa karagatan noong 2024.
Itinuturing nila na kayang makipagsabayan ang bagong aircraft carrier sa US.
















