DAGUPAN CITY – Nahaharap sa patong patong na kaso ang limang katao na itinuturing na high value target ng Santa Barbara PNP matapos silang mahuli sa Brgy. Minien West, Villa Sta Barbara Subdivision, Sta Barbara, Pangasinan.

Nahuli ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 1 at Santa Barbara PNP sina Joey Cabico, drug den maintainer, Frankie Tamayo, Daniel Dacasin, Marc Jea Chua, at Maureen Zalazar, pare-parehong residente sa bayan ng Santa Barbara.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang heatsealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakalaga ng P2,000, at nakumpiska rin ang karagdagang tatlong heatsealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 11 grams na nagkakahalaga ng P74,800, mga assorted drug paraphernalia, P1,000 cash at karagdagang P1,000 ginamit na buy bust money at isang unit ng cellphone na hinihinalang ginagamit sa mga iligal na transaksyon.

Sa kasalukuyan ang mga suspek ay nasa pangangalaga ng PDEA Region 1.