La Union – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 5 anyos na bata matapos itong malunod sa ilog sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang namatay na biktima na si Jennifer Torres, residente ng Barangay Parian Este sa nabanggit na bayan.

Ayon sa Bauang Police, nagtungo umano ang bata kasama ang kuya nito na si Jimmy Torres, 15, para maligo sa ilog.

Napansin na lamang umano ni Jimmy na wala na tabi nito ang biktima at nakita na lamang itong nalunod na sa malalim na bahagi ng ilog.

Bagamat naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.