Naitala ngayon ang 42 panibagong mga kaso ng overseas Filipinos na kinapitan ng COVID-19.

Iniulat ng DFA na ang panibagong mga kaso ay nagmula sa Asya, Pacific at Middle East.

Hindi naman eksaktong tinukoy ng DFA kung anong mga partikular na bansa ang mga ito.

Sa ngayon umakyat na sa 9,816 ang kabuang bilang ng mga nahawa sa deadly virus.

Good news naman dahil may 12 gumaling o nasa 5,802 kabuuan na ang mga recoveries.

Pero may bagong 13 namatay na nagmula sa Middle East.

dfa cases abroad