Nasa 42 bangkay na mula sa bumagsak na eroplano ng Pakistan ang narekober ng mga otoridad.

Sinabi ni Major Mohammade Mansoor ng Pakistan Rangers, na patuloy pa rin silang naghahanap ng mga bangkay mula sa bumagsak na Pakistan International Airlines (PIA) sa Karachi City.

Sinasabing marami pang mga bangkay ang posibleng natabunan ng mga debris.

Sa 91 na pasahero at pitong crew ay dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano.

Ayon naman sa tagapagsalita ng PIA na si Abdullah Hafeez na nagkaroon ng problema sa makina ang nasabing eroplano matapos ang pagtawag ng piloto sa airport tower.