-- Advertisements --

Mahigit 200 preso sa Pakistan ang tumakas matapos ang naganap na malakas na paglindol.

Sinamantala ng mga preso ng Malir Jail sa Karachi ang pagyanig kung saan sinira nila ang mga bintana at mga kandado.

Mayroon namang 80 mga preso ang kanilang naaresto na habang patuloy na pinaghahanap ang 130 na iba pa.

Napilitan pa ang mga tagabantay na gumamit ng dahas dahil sa pagpupumilit ng mga preso na tumakas.

Ipinagtanggol ng opisyal ng preso na ang pangyayari ay hindi security lapses at sa halip ay ito ay sanhi ng natural disaster.