-- Advertisements --

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang polio outbreak sa Papua New Guinea at nanawagan ng agarang pagbabakuna laban sa sakit.

Natuklasan ang virus sa dalawang batang walang sintomas sa lungsod ng Lae sa pamamagitan ng routine screening.

Ayon sa WHO, mababa ang antas ng pagbabakuna sa bansa, mas mababa sa kalahati ng populasyon na may mga bakuna laban sa polio.

Babala ni WHO representative Dr. Sevil Huseynova, kailangang makamit ang 100% coverage sa lalong madaling panahon dahil maaaring kumalat ang sakit sa bansa.

Babala ni WHO representative Dr. Sevil Huseynova, kailangang makamit ang 100% coverage sa lalong madaling panahon dahil maaaring kumalat ang sakit sa ibang bansa. Aniya, “Polio knows no borders.”

Samantala, target ng pamahalaan ng Papua New Guinea na mabakunahan ang lahat ng batang edad 10 pababa ngayong taon, na tinatayang aabot sa 3.5 milyong katao.

Makakatuwang ng Papua New Guinea ang WHO, UNICEF, at pamahalaan ng Australia para ma contain ang polio.

Matatandaang ideneklarang polio-free ang bansa noong 2000, ngunit nagkaroon ng outbreak noong 2018 na agd namang na-contain.

Iniulat na ang bagong strain ng virus ay may genetic link sa strain na tumama sa Indonesia.

Samantala, patuloy ding nakakaranas ng polio outbreaks ang ilang bansa sa Asia gaya ng Pakistan at Afghanistan, habang may babala rin ng posibleng outbreak sa Gaza.