-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang naganap na pagpapasabog sa isang school bus sa Pakistan.

May lulan ang bus ng 40 na mga mag-aaral ng sumabog ito sa sa bayan ng Khuzdar sa Balochistan region.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima kung saan marami sa kanila ang nasa kritikal na kalagayan.

Wala pang grupo ang umako sa nasabing insidente na malaki ang paniniwala ng mga otoridad na maaring kagagawan ito ng mga militanteng grupo.

Kinondina naman ni Pakistans Interior Minister Mohsin Naqvi ang insidente at tinawag ito bilang isang barbaric na kagagawan.