Nasa ikalimang sunod na araw na ngayon na mababa pa sa 500 ang mga naitatala na bagong dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang mga bagong nadagdag na 411 na mga pasyente.
Sa naturang bilang ang 140 dito ay pawang nagmula sa NCR.
Sa kabuuan ang mga nagkasakit dahil sa COVID-19 sa bansa mula taong 2020 ay nasa 3,676,230.
Sa nabanggit na datos nasa 3,573,250 ang mga nakarekober na.
Samantala nasa 60 naman ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay kabuuang 58,831 na.
Ang bilang naman ng mga aktibong kaso ngayon ay nasa 44,149 na siyang pinakamababa mula noong Jan. 5.
Mistulang nakahinga naman ng maluwag ang DOH na hanggang sa ngayon ay walang surge ng COVID cases sa Pilipinas na may kinalaman sa pagtipon tipon ng mga tao dahil sa kampanyahan.