Nakapagtala ng higit sa 400 mga sasakyan ang nahulihan ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) ng mga blinkers at wangwang sa buong buwan ng Setyembre.
Ayon kay HPG Director PCol. Hansel Marantan mahigpit kasing ipinagbabawal sa ilalim ng Presidential Decree 96 ang paggamit ng mga ganitong instrumento partikulr na ng mg pribadong sasakyan lalo na kung hindi naman ito otorisadong gumamit ng ganitong mga kagamitn gaya ng mga ambulansiya, police mobil at maging mg fire trucks.
Maliban dito, nakapagtala rin ng ilang mga violtions pa ang HPG gaya ng mg asong rehistro kung saan nahuli ang hindi bababa sa 1,000 motorista at 1,212 na mga paglabag sa ‘no plate, no travel’ policy at 522 na kso ng mga hindi tamang pagkakabit ng mga plaka.
Samantala, nanindigan naman ang HPG na magppatuloy lamang ang kanilang hanay sa pagkakasa ng mga joint operations katuwang ang iba pang law enforcement agencies upang mahuli ang mga motoristang patuloy na lumalabag sa mga umiiral na batas trapiko sa mga lansangan.