-- Advertisements --

Binaha nitong Sabado ng umaga ang ilang parte ng Arizona kung saan hindi bababa sa apat ang patay at dalawa naman ang nawawala

Pare-parehong natagpuan ang mga biktima sa kani-kanilang sasakyan na wala nang buhay kung saan tinutukoy na ng otoridad ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Patuloy naman ang search and rescue operation para sa dalawa pang nawawala at sa mga posible pang naging biktima ng baha.

Samantala nagkalat naman ang 1,000 propane tank sa lugar na tinangay ng baha dahilan kung bakit labis ang pangamba ng pulisw dahil sa posibling dala nitong pamanganib na kemikal.

Agad na idineklara ni Arizona Governor Katie Hobbs ang state of emergency para sa mas bilis na pagdating ng tulong sa lugar partikular na sa Gila County kung saan ito ang nakaranas ng malubahang epekto ng pagbaha.

Pinaalalahanan ng pamahalan ng Gila County ang mga residente nito na mag ingat at iwan ang pag lusong sa baha upang maiwasan ang panganib.

Pinayuhan din ang mga residente na lumayo muna sa lugar kung maari para sa kanilang kaligtasan.