-- Advertisements --

Nahaharap sa ethics complaint si Senator Francis ‘Chiz Escudero dahil sa pagtanggap niya ng donasyon mula sa kontraktor na sangkot sa flood control project anomaly.

Kinumpirma ito Sen. JV Ejercito, chairman ng Committee on Ethics and Privileges sa Senado kung saan kanila na itong tatalakayin ng miyembro ng komite.

Dagdag pa nito na aktibo naman ang Independent Commission for Infrastructure na ipursige ang kaso laban kay Escudero.

Magugunitang inamin ni Escudero na tumanggap siya ng donasyon noong 2022 election sa kaibigan niyang kontractor ng flood control project ng gobyerno.