-- Advertisements --

Hiniling ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang kooperasyon ng publiko sa malawakang evacuation na isinasagawa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, habang nasa kasagsagan ang pananalasa ng bagyong Opong.

Ayon kay Sec. Teodoro, marami na ang mga nagsagawa ng early o pre-emptive evacuation bago pa man ang pag-landfall ng bagyo.

Dahil sa may mga lugar na nagsasagawa pa rin ng paglikas habang nasa kasagsagan ng bagyo, kailangan aniyang maging madalian ito, upang hindi na maabutan pa ng malawakang pag-ulan.

Dahil dito, hinimok ng kalihim ang publiko na huwag na ring hintayin na lalapit ang tubig sa mga kabahayan bago pa umalis o magtungo sa mas ligtas na lugar.

Ipinaalala rin ng kalihim ang agarang pagsunod sa anumang paabiso ng pamahalaan, upang maiwasan ang pinsala sa mga ari-arian at buhay.

Kabilang sa mga pangunahing binabantayan ng DND sa kabuuan ay ang malawakang pagbaha na maaaring magatagal ng ilang araw, lalo na sa mga urban areas o matataong lugar.