-- Advertisements --

Pumalo na sa tatlong katao ang nasawi sa naganap na pagguho ng landfill sa Lungsod ng Cebu.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu City na kanilang huling narekober ang bangkay ng isang babae pasado alas-6 ng gabi nitong Enero 9.

Bago nito ay isang bangkay ng 25-anyos na lalaki ang narekober dakong alas-4 ng hapon ng parehong araw.

Ang unang biktima na naiulat na nasawi ay noong nangyari ang insidente ng hapon ng Huwebes, Enero 8 matapos ang pagguho ng material recovery facility na matatagpuan sa Barangay Binaliw.

Patuloy pa rin na hinahanap ng mga rescuers ang 34 katao na naiulat na natabunan.

Karamihan sa mga biktima ay trabahador ng landfill sites sa lugar.