-- Advertisements --
Patay ang apat na katao sa ginawang missile attack ng Russia sa Dnipro City sa Ukraine.
Mayroon ding mahigit 40 katao ang nasugatan sa nasabing insidente.
Inaalam pa ng mga otoridad ng Ukraine kung isang uri ng ballistic missile ang ginamit ng Russia.
Ang Dnipro ay may layo na 100 kilometers mula sa front line na laging tinatarget ng Russia mula ng simulan nila ang atake noong Pebrero 2022.
Nangyari ang pag-atake isang araw bago ang pag-uusap na gagawin sa US at Ukraine para tuluyang matapos ang pag-atake ng Russia.















