Naisumite na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pang. Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga pangalan na mga kandidato para sa susunod na pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Nakatakda na rin kasing magretiro sa serbisyo si AFP chief of staff Gen. Jose Faustino Jr, sa darating na November 12,2021.
Sa mensahe na ipinadala ni Secretary Lorenzana sa Bombo Radyo, kaniyang sinabi na early this week kaniya ng naisumite ang shortlist.
Sinabi ng Kalihim na apat na pangalan ng mga senior AFP officers ang kaniyang isinumite, subalit tumanggi naman pangalanan ni Lorenzana kung sino-sino ang apat na heneral na kaniyang inirekumenda.
” Yes, I submitted it early this week. Four names,” mensahe ni Sec Lorenzana sa Bombo Radyo.
Una ng binibigyang-diin ng kalihim na seniority, merit at service reputation ang naging basehan ng kaniyang rekumendasyon na siyang inirekumenda din ng AFP Board of Generals (BOG).
Si Faustino ay miyembro ng PMA Class of 1988 higit apat na buwan lamang nanungkulan bilang AFP Chief.
Siya ang humalili sa pwesto ni dating AFP Chief retired Gen. Cirilito Sobejana.
Ayon kay Lorenzana ang apat na mga kandidato para sa next AFP Chief ay mula sa mga major services at area commands.
Ang mga ito ay sina Philippine Army chief Lt. Gen. Andres Centino, PAF Commanding General Lt Gen. Allen Paredes, Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Adelius Bordado, Southern Luzon Command Lt Gen Bartolome Bacarro, Northern Luzon Command Lt Gen Arnulfo Burgos, Wesmincom Chief MGen Alfredo Rosario, Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Greg Almerol at Visayas Command MGen. Robert Dauz.