-- Advertisements --

Hinimok ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga ‘nepo babies’ o mga anak ng ilang pulitiko at indibidwal na sangkot sa isyu na maghain na lamang kasong ‘cyberlibel’.

Nang matanong ang kalihim sa kumento nito hinggil sa mga naturang indibidwal na binabatikos ‘online’, aniya’y idaan na lamang ito sa tamang proseso.

Kung saan kanyang inanyayahan ang mga ito na magsampa na lamang ng kaso sa prosecutor’s office sakaling nais magreklamo.

Bukas naman aniya ang tanggapan ng mga piskal para sa mga reklamong nais idulog kaugnay sa isyu laban sa mga indibidwal nais panagutin.

Kapansin-pansin sa iba’t ibang social media platforms ang ‘bashing’ o pambabatikos ng publiko bilang hinaing sa mga kontratista at pulitikong may kinalaman sa ‘ghost projects’.