King Maha Vajiralongkorn
King Maha Vajiralongkorn

Tinanggal sa puwesto ng hari ng Thailand ang apat nitong matataas na opisyal.

Unang tinanggal ni King Maha Vajiralongkorn ang dalawang opisyal ng palasyo dahil sa kasong adultery.

Dahil dito ay tinanggalan ang mga ito ng military rank na Lieutenant Colonel at royal decorations.

Sa anunsiyo rin ng Thai Royal Household, dalawang military officers din ang kanilang tinanggal dahil sa kapalpakan sa trabaho.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagtanggal ng mataas na opisyal ang hari ng Thailand, na ang una ay noong inalis niya ng pagkilala ang kinakasama nito na si Sineenat Wongvajirapakdi dahil sa hindi pagiging tapat.