Hindi bababa sa 23,918 indibidwal ang naitalang apektado ng Bagyong Crising sa bansa.
Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council , ang bilang na ito ay nagmula sa Visayas at Mindanao .
Partikular na tinukoy ng ahensya ang mga rehiyon ng Western at Central Visayas at SOCCSKSARGEN.
Sa ngayon aabot na sa 115 pamilya ang nananatili sa evacuation centers.
Pumalo naman sa 106 pamilya ang inilikas sa iba pang ligtas na lugar.
Batay sa datos na inilabas ng NDRRMC, sumampa na sa 19 na lugar naman sa Central Visayas ang binaha dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Crising at Habagat.
Humupa naman na sa ngayon ang tubig baha sa pitong lugar sa SOCCSKSARGEN.
Hindi pa kabilang sa nabanggit na datos ang epekto ng bagyong Crising sa bahagi ng Hilagang Luzon.