-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 37,070 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Mayroon namang 33,940 na gumaling at 23 ang bagong mga pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.0% (290,938) ang aktibong kaso, 89.4% (2,898,507) na ang gumaling, at 1.63% (52,929) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling data, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 15, 2022, habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 12 laboratoryo na ito ay may humigit kumulang 5.1% sa lahat ng samples na naitest at 5.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.