-- Advertisements --

Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low-pressure area (LPA) na namataan sa labas ng bansa.

Base sa monitoring ng state weather bureau, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa 1.095 kilometers (km) sa silangan ng Eastern Visayas, sa labas ng PAR.

Sa kasalukuyan, mababa ang tiyansa na mabuo ito bilang bagyo sa sunod na 24 oras.

Inaasahang kikilos ito sa hilagang-kanlurang direksiyon sa mga susunod na araw.

Ang trough o buntot nito ay maaaring magsimulang makaapekto sa ilang parte ng Luzon at Visayas pagsapit ng araw ng Huwebes, Agosto 7.