Inihayag ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hinog na umano ang kanyang kinakaharap na reklamo sa Ombudsman upang ito’y maibasura.
Sa ipinadalang mensahe na opisyal na pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong araw, kanyang sinabi na hindi niya isinusuko ang aplikasyon sa pagka-Ombudsman.
Aniya’y naniniwala at nagtitiwala siya sa Korte Suprema na magiging nasa katuwiran ang gagawin nitong pagpapasya at sa kanyang kinakaharap pa na pending case sa Office of the Ombudsman.
Kanyang sinabi na hinog na para ma-dismiss ang reklamong kinakaharap sa Ombudsman na siyang maaalalang konektado o kaugnay sa naganap na pagpapa-aresto ng International Criminal Court kay former President Rodrigo Roa Duterte.
“I am not giving up on my application,” ani Secretary Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.
“I trust they will do what is right considering the Ombudsman case is ripe for dismissal given the pending case at the Supreme Court on the same matter,” dagdag pa ni Justice Secretary Remulla.
Maalalang sinampahan siya ng reklamo ni Sen. Imee Marcos ng paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act, Arbitrary Detention, Usurpation of Judicial Functions, Grave Misconduct at iba pa dahil sa pagkakaaresto ni former President Rodrigo Duterte.
Sakaling matuloy at mapili siyang bilang panibagong Ombudsman, kanyang papalitan ang iniwang posisyon ni former Ombudsman Samuel Martires.