Nasa ikalawang araw na mababa pa sa 400 ang mga naitatalang bagong COVID-19 daily cases ng Department of Health (DOH).
Ito ay makaraang umabot lamang sa 370 ang bagong tinamaan ng coronavirus.
Sa kabuuan ang mga dinapuan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 2,835,593.
Meron naman bagong mga nakarekober na umaabot sa 861.
Ang mga gumaling sa COVID-19 ay umabot na sa 2,773,322.
Samantala ang mga active cases sa Pilipinas ay lalo pang bumaba sa 12,510.
Ito na ang pinaka-lowest na bilang ng mga pasyente mula May 30 noong nakalipas na taon.
Sa kabilang dako merong namang 171 na mga nadagdag sa bilang ng mga pumanaw sa bansa dahil sa deadly virus.
Ang kabuuang death toll sa bansa ay umaabot na sa 49,761.
Meron namang limang laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos sa DOH.
Habang patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy din namana ng paalala ng DOH.
“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay,” bahagi ng DOH statement.