Nadagdagan pa ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinagsumite ng kanilang courtesy resignation ni Secretary Vince Dizon bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa katiwalian sa ahensya.
Sa inilabas na memorandum ngayong araw, inatasan ni Dizon ang mga Assistant Regional Director at Assistant District Engineer na magsumite na rin ng kanilang resignation hanggang sa katapusan ng araw.
Ayon sa kalihim, ang hakbang na ito ay kaugnay ng malawakang paglilinis sa DPWH matapos ang serye ng mga isyu ng ghost projects at substandard infrastructure na umano’y nagpapahina sa tiwala ng publiko.
Ani Dizon, halos lahat ng undersecretaries at regional directors ng DPWH ay nakapaghain na ng kanilang unqualified courtesy resignation.