Lebron james LA

Hindi naitago ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo ang kanyang paghanga kay LeBron James.

Ginawa ni Giannis ang pahayag bago ang banggaan ng mga top teams sa NBA na Los Angeles Lakers at ang kanyang Milwaukee Bucks na mula naman sa Eastern Conference.

Tinawag pa ni Antetokounmpo na “insane” at “alien” ang nakakabilib na performance ni James kahit ito ay 34-anyos na.

Sa ngayon nag-a-average sa puntos si LeBron sa 25.9 points at nangunguna pa sa liga na may 10.6 assists per game.

Ito na ang ika-17th season ni James pero nasa top of the game pa rin ito.

Ang 25-anyos naman na si Antetokounmpo ay angat ngayon sa record na may 31.7 points per game para dalhin ang Bucks sa 24 wins at four losses ngayong season.

Aminado naman si Giannis na kabilang sa iniidolo niya sa liga ay ang NBA icon na si LeBron.