-- Advertisements --

Mayroong 32 probinsya sa bansa ang nagkukulang ng hospital beds dahil sa taas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) kinabibilangan ito ng Albay, Antique, Lanao del Sur, Quezon, Surigao del Norte at Zamboanga del Norte.

Nasa kritikal level naman ang mga hospital bed ng Bataan, Cagayan, Iloilo, Misamis Oriental, Rizal, Tarlac at Zambales.

Ang mga lugar ng Batangas, Benguet, La Union, Laguna, Nueva Vizcaya, Pampanga, South Cotabato at Zamboanga del Sur ay nasa high-risk level ang kawalan ng ICU beds.

Tiniyak naman ng DOH at ang kanilang regional offices na magpapadala sila ng mga tulong sa mga lugar na kulang ang mga hospital beds.