-- Advertisements --
Magdaraos ang Senado ng necrological service para sa pumanaw na si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Miyerkules, Nobiyembre 19.
Isasagawa ang necrological service sa Session Hall ng Mataas na Kapulungan sa oras na alas-9 ng umaga.
Tanging ang mga imbitadong panauhin at awtorisadong personnel lamang ang papahintulutang makapasok sa hall.
Bago ang necrological service, isasagawa ang arrival honors para sa kabaong ng labi ng yumaong Senate President dakong alas-8:45 ng umaga.
Matatandaan, pumanaw si Enrile noong araw ng Huwebes, sa edad na 101 matapos ang pakikipaglaban sa sakit na pneumonia.
Maaalala rin na nagsilbi ng apat na termino si Enrile sa Senado mula 2008 hanggang 2013.














