-- Advertisements --

Naglabas ng mabigat na pahayag si Davao City First District Rep. Paolo “Polong” Duterte laban sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Tinuligsa ni Duterte ang babala ni Remulla na ang mga panawagan para sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay “close to inciting to sedition.”

Ayon kay Duterte, tila nagiging “martial law” na ang pahiwatig ng administrasyon dahil sa ganitong paninindigan ng ilang opisyal.

Binigyang-diin niya na hindi dapat ituring na krimen ang malayang pagpapahayag ng saloobin ng mamamayan.

Tanong niya kung demokrasya pa raw ba ito, o emotional support group ng mga madaling mapikon na opisyal ng gobyerno?

Ang isyu ay nag-ugat sa mga panawagan ng ilang grupo na magbitiw si Marcos dahil sa umano’y kakulangan sa pamumuno.

Sa kabila nito, nanindigan ang Palasyo na buo pa rin ang suporta ng militar, pulsya at lahat ng ahensya kay Pangulong Marcos.