Inakusahan ng kasalukuyang mambabatas na si Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ito mismo ang kanyang ibinunyag sa isinagawang ikalawang araw ng ‘rally for transparency’ ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand, Maynila.
Sa kabila ng kanyang mga paratang, giit ng ilang grupo na dapat kalakip nito ang ebidensyang makapagpapatunay sa mga paratang ng mambabatas.
Ayon kay Dr. Jose Goitia ng grupong Filipinos Do Not Yield Movement, kinakailangan ng seryosong patunay sa mga alegasyon ibinabato sa Pangulo.
Naniniwala siyang ang pag-akusa sa isang indibidwal o lider ng bansa na gumagagamit ng ilegal na droga ay hindi basta-basta lamang.
“Kung seryoso ang paratang, dapat seryoso rin ang ebidensya. Hindi puwedeng puro galit at drama ang ihain sa publiko,” ani Dr. Jose Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.
Bukod kay Pangulong Marcos Jr, idinawit din ni Senador Imee Marcos ang asawa nitong si first lady Liza Araneta Marcos.
Kung kaya’t giit nila na kung wala namang sapat na ebidensya at hindi nararapat na idamay ang kahit na sinuman sa mga ganitong uri ng akusasyon.
















