Itutulak ng National Unity Party (NUP) ang posibleng pagpapatalsik kay Dasmariñas City Rep. Francisco “Kiko” Barzaga mula sa Kamara, kasabay ng paghahanda ng pagsasampa ng hiwalay na kaso laban sa kanya sa labas ng Kongreso.
Ito ay bukod pa sa panibagong Ethics complaints.
Ayon kay NUP Chairman Puno, patuloy na binabalewala ni Barzaga ang mga desisyon ng House Committee on Ethics at ng Kongreso, dahilan upang ikonsidera ang kanyang outright expulsion.
Isasama rin umano sa reklamo ang kontrobersyal na pahayag ni Barzaga laban sa yumaong Rep. Romeo Acop.
Sinabi ni Puno na hindi na sapat ang suspensyon dahil patuloy ang umano’y maling akusasyon at paglabag ni Barzaga sa mga patakaran ng Kamara.
Dagdag pa niya, pinag-aaralan din ng NUP ang pagsasampa ng kasong legal kaugnay ng mga alegasyong itinuturing nilang walang basehan at personal na pag-atake.
















