-- Advertisements --
Pinayuhan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co na umuwi muna bago maglabas ng mga akusasyon.
Ayon kay ICI Chair Andres Reyes Jr, na dapat ay unahin muna ni Co ang umuwi bago maglabas ng mga akusasyon.
Magugunitang makailang ulit na naglabas ng video si Co na nag-aakusa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na may isiningit na P100 bilyon sa national budget.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang kinaroroonan ni Co matapos na masangkot sa mga anomalya sa flood control projects.
















