Tiniyak ng Office of the Ombudsman na kanilang patuloy na tututukan pa rin ang mga kasong may kinalaman sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Ibinahagi mismo ni Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, makakaasa umano ang publiko na kanilang di’ pababayaan ang patungkol rito.
Makaseseguro din aniya na walang kinatatakutan, at pinapaburan ang mga kasong isinasampa o imbestigasyon kaugnay sa flood control scandal.
Kung saan mariin pa niyang inihayag ang paninindigan na ang pondo ng gobyerno sa flood control ay upang maresolba ang pagbaha at hindi para payamanin lamang ang iilan.
Dahil rito’y kanyang sinabi na bilang tanod-bayan, kanilang papanagutin mga sangkot na opisyal at kontratista sa isyu ng korapsyon.
Kasunod ang naturang pahayag nang pormal maihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang patung-patong na mga kaso laban sa ilan opisyal dawit sa kontrobersiya.
Kanilang kinasuhan si former Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at board of directors ng Sunwest Corporation ukol sa maanomalyang proyekto sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ngunit binigyang diin ni Assitant Ombudsman Mico Clavano na bagama’t ito ang una, asahan aniya raw na may kasunod pang mga isasampa.
Nauna lamang raw ito sapagkat ang naturang kaso ay ang siyang nauna rin maisumite o maihain ng Independent Commission for Infrastructure sa kanilang tanggapan.
Kung babalikan, ang mga kasong isinampa ng Ombudsman laban kina former Congressman Zaldy Co at iba pa ay ang Malversation of Public Funds through Falsification of Public Documents, at paglabag sa Section 3e ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Habang sinampahan ng hiwalay na kaso si Zaldy Co sa paglabag nito ng Section 3(b) ng RA 3019 sa pagtanggap ng ‘unwarranted financial’ o ‘pecuniary benefits’.
















