-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naihatid na sa Panacan warehouse ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XI sa Davao City ang 18 mga trak na punô ng Family Food Packs para sa mga biktima ng magnitude 7.4 at magnitude 6.8 na lindol.

Ayon kay Raffy Vigil, tagapagsalita ng DSWD-Caraga, ang grupong tinaguriang Angels in Red Vests kasama ang iba pang mga grupo, ang namamahagi ng ang mga relief goods na may iisang layunin — ang maglingkod sa mga nangangailangan.

Ito ay isang matibay na patunay na sa panahon ng krisis, ang bayanihan ang nagsisilbing tulay upang madama ng mga nasalanta ang pagmamahal at malasakit ng kapwa.

Kaugnay nito, ipinaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa Philippine Army, gayundin sa mga Navy reservists, mga Caraga volunteers, at iba pang tumulong sa pagkakarga ng 30,000 Family Food Packs.