-- Advertisements --

Aprubado na ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang pagbili ng 300 set ng protective gear para pangontra sa pagkahawa sa covid 19 ng mga pulis.

Sinabi ni Gamboa na prayoridad na mabigyan nila ang mga pulis sa metro Manila dahil nasa NCR ang karamihan ng mga covid 19 cases sa bansa.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pulis na magpatupad ng mga quarantine procedures kung kakailanganin.

Sinabi ni Gamboa kahapon lang niya inaprubahan ang pagbili, kaya sa ngayon ay naghahanap palang ng supplier ang PNP.

Pinatitiyak ni Gamboa sa lahat ng mga units sa buong bansa na magkaroon ng designated area para maging quarantine area sa mga pulis.

Inanunsiyo na rin ni Gamboa na kanselado na rin ang kanilang mga major programs bilang preventive measure gaya ng zumba at Pulisteniks.

Sinabi ni Gamboa magkakaroon din ng pagbabago sa gagawin nilang flag raising ceremonies tuwing lunes mass formations ng mga police personnel.