TACLOBAN CITY – Naharang ng mga otoridad sa isinagawang veterinary quarantine checkpoint ang 25 mga kahon ng processed meat products sa Sta. Clara Port, Brgy. Jubasan, Allen, Northern Samar.

Ayon kay Lt. Paterno Villarmino, station commander ng Philippine Coast Guard Northern Samar, may naipakitang certificate of meat inspection ang consignee ng bus na pinagkargahan ng nasabing mga produkto pero bigo naman iton magpresenta ng shipping permit.

Dahil rito ay nagdesisyon ang provincial head ng Veterinary Office Northern Samar na imbes na kumpiskahin ang naturang mga karne na aabot sa 300 kilo ay ipinabalik na lamang ito sa Cubao, Quezon City kung saan ito nagmula.

Maipapabatid na noong nakaraang linggo ay na-intercept din ng mga otoridad sa San Juanico Bridge ang aabot sa P1.6 million na halaga ng frozen pork meat products mula naman sa Bulacan.