-- Advertisements --

Muling nagsagawa ng Coral Reef Rehabilitation Mission ang Philippine Coast Guard Marine Science Group sa bahagi ng Pag-asa Island at Kalayaan Group of Islands.

Ayon sa PCG, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na protektahan ang mga marine ecosystems sa teritoryo ng bansa partikular na sa West Philippine Sea.

Ang naturang misyon ng grupo ay pinangunahan ng Assistant Deputy Chief of Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection ng ahensya.

Sinabi ng ahensya na ang kanilang mga itinanim na corals sa ilalim ng karagatan ay dumaan sa maingat nilang pagpili.

Kasabay ng aktibidad ay nagsagawa rin ang grupo ng biodiversity assessments at underwater surveys sa naturang bahagi ng karagatan.