MIgrants France
-- Advertisements --

Nasa mahigit 30 migrants ang nasawi matapos tumaob ang sinakyan nilang bangka sa English Channel sa Calais, France.

Tinawag ni French Prime Minister Jean Castex ang insidente bilang pinagrabe kung saan itinuturing ang mga nasawing migrants bilang biktima ng mga criminal smugglers.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakalubog ng nasabing bangka.

Nagtulong-tulong na ang mga otoridad ng France at United Kingdom para sa pagsagip ng mga biktima.