IMG 20190919 144553 1

Ipinag-utos na ng Department of Justice (DoJ) sa Bureau of Corrections (BuCor) ang pag-uumpisa ng recomputation ng good conduct time allowance (GCTA) credits sa mga sumukong inmate na sinasabing nakinabang sa naturang batas.

Sa ipinatawag ni DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete na press conference, noong Lunes matapos pirmahan ang implementing rules and regulations (IRR) ng GCTA Law ay inumpisahan ng BuCor ang recomputation sa mga sumukong dating inmates matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko ang mga ito sa loob ng 15 araw.

Pero ayon kay Perete, saka lamang ilalabas ang resulta ng recomputation 15 na araw matapos mai-publish ang IRR ng GCTA Law na ilalabas sa Miyerkules.

Dagdag ni Perete, tatlong shift ang magsasagawa ng recomputation ng GCTA ng mga sumukong inmate na nasa mahigit 1,000 na.

Ngayong araw ang deadline ng Pangulong Duterte para sumuko ang mga dating inmate.