Patay ang tatlo katao sa nangyaring pananambang sa Sta. Rosa, Laguna kaninang umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Laguna PNP, sakay ng kotse ang mga biktima nang harangin ng mga salarin.

Lulan ng van at motorsiklo ang suspek na tinatayang nasa apat katao.

Sinasabing gumamit ang mga ito ng short firearms sa ginawang pamamaril.

Kabilang sa mga nasawi ay dating barangay kagawad, ang biyanan nito at isang tanod.

Maliban sa mga nasawi, sugatan din sa pangyayari ang isang sanggol na mabilis namang naisugod sa ospital.