Central World Complex

Patay ang tatlong katao sa sunog na naganap sa isang shopping center sa Bangkok, Thailand.

Umabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ang sunog sa Central World Complex.

Agad na pinalikas ang mga tao sa lugar.

Ang lugar ay kinabibilangan ng shopping mall at hotel na dinarayo ng mga turista.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

-- Advertisement --