National Mental Health Center
NCMH

Palaisipan pa rin ng mga kapulisan kung paano nakapasok ang baril sa loob ng National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Ito ay matapos maitalang tatlong biktima ng pamamaril sa loob mismo ng pasilidad.

Ayon kay PCol. Moises Villaceran Jr, hepe ng Mandaluyong City Police, binaril ng suspek na si Wilfredo Ocampo ang 27-anyos na apo na nasa pasilidad.

Matapos na mabaril gamit ang calibre .45 ay binaril din ng suspek ang asawa bago nagbaril sa sarili.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng alitan ang suspek at apo nito na nagbunsod sa para mangyari ang krimen.

Iniimbestigahan na ngayon ng PNP kung paano nakapasok sa nasabing pasilidad ang baril.