DAVAO CITY – Mahaharap sa patong-patong na kaso ang isang lalaki matapos barilin ang anim na indibidwal na ikinasawi ng tatlo sa mga ito.

Sa imbestigasyon ng Buhangin-Philippine National Police (PNP), dahil lamang umano sa mabahong septic tank ang dahilan ng insidente na sumiklab sa Purok Waling-waling Buhangin sa lungsod kahapon.

Nakilala ang suspek na si Rolando Salazar, 66, residente sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Tatay Rafael Navarro Sr., ama ng mga biktima ng pamamaril at nakaligtas sa insidente, bigla na lamang umanong pumasok ang suspek na kanilang kapitbahay at walang habas na namaril.

Nakilala ang mga biktima na sina Ryan, 39, asawa nitong buntis na si Jeselle, 35; Rafael Jr., 33; Rusty, 35, at asawa ni Tatay Rafael na si Zusima, 62.

Hindi na nailigtas ang mag-asawa dahil nalagutan na ito ng buhay habang nasa ospital.

Tatlo naman ang nasa kritikal ang kondisyon.

Kabilang din sa napatay ng suspek ang nag-iisa nitong anak na si Nonoy Salazar, 41, dead on arrival sa ospital matapos na hindi niya ito nakilala dahil nakasuot ng face mask.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Buhangin-PNP ang suspek.