Karbala City Iraq
Karbala City , Iraq

Patay ang tatlong katao matapos na sila ay barilin ng atakihin ng mga protesters sa Iranian consulate sa Kabala City.

Sinasabing pinagbabaril ng mga security forces ang mga lumusob na protesters.

Inalmahan kasi ng mga Iraq ang pangingialam ng Iran sa mga internal affairs nila.

Nagpapatuloy kasi ang kilos protesta kahit na makailang beses ng umapela si Prime Minister Adel Abdul Mahdi.

Sinabi nito na nirerespeto ng gobyerno ang mapayapang kilos protesta pero dapat huwag harangin ang mga kalsada sa buong lungsod.