-- Advertisements --

Nakapagtala na naman ng apat na phreatomagmatic eruption kaninang umaga lamang sa Taal volcano.

Ayon sa Phivolcs, unang nai-record ngayong araw ang pagputok sa ganap na alas-5:18 ng umaga, nasundan ito bandang alas-8:47 at pangatlo ay ganap na alas-9:15, habang pang apat ay alas-9:26 ng umaga.

Sa pagsabog ay namataang umabot sa 300 metro ang ash plume.

Patungo ang usok at abo sa timog silangang direksyon.

Mas mahina naman ang pangalawa at pangatlong pagbuga ng usok.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, patunay lamang ang mga ganitong pangyayari na nananatili ang abnormalidad ng bulkan at posible ang panibagong mga pagsabog, kahit anong oras.

Sa latest monitoring, ang sulfur dioxide emission ng Taal ay may average na 7,560 tons per day.